Services
Humanap ng suporta, gabay, at iba pang mapagkukunan upang matulungan ang iyong anak na lumago sa komunikasyon, kumpiyansa, at koneksyon.
Mga Mapagkukunan sa Komunidad
Mga Grupong may Suporta
Speech Therapy Support and Tips for Filipino Families (Facebook Group)
Ang pribadong komunidad na ito sa
Facebook ay isang pangunahing mapagkukunan para sa mga magulang,
kasamang itinatag at pinangangasiwaan ng isang rehistradong SLP. Ito ay nagsisilbing sentro para sa pagbabahagi ng mga tip at paghahanap ng mga naa-access na mapagkukunan ng terapiya.
ADHD Society Philippines
Isang non-profit na organisasyon na nakatuon sa pagsuporta sa mga indibidwal
na may ADHD. Bagama't hindi sila nagbibigay ng direktang terapiya,
nag-aalok sila ng mahahalagang mapagkukunan para sa mga magulang,
kasama ang "Support Group Connections" at "Parent Support Workshops".
(632) 8-475-8797
adhdsocietyofthe philippines@gmail.com
Offices: Quezon City & San Juan
Autism Society Philippines
Isang pambansang non-profit na pangunahing mapagkukunan ng impormasyon at
suporta para sa komunidad ng autism. Nagho-host sila ng buwanang virtual
Family Support Group (FSG) meetings sa pamamagitan ng Zoom, na
bukas sa mga miyembro at hindi miyembro, kaya naman napakadaling
ma-access ng mga ito.
(632) 7-903-5496
autismphils@gmail.com
Autism Philippines Support Group (Facebook Group)
Karagdagan pa sa grupong ito ay ibang aktibong komunidad sa mga online na espasyo tulad ng Autism Family Support Group Philippines at Filipino Autism Parents.
Philippine Stuttering Association (PSA)
Ang PSA at ang pangunahing suporta at grupong naglulunsad ng adbokasiya para sa mga taong nag-stutter (People Who Stutter o PWS) at kanilang pamilya. Mayroon din silang online events at matibay na support network.
stutteringph@gmail.com
Mga Organisasyong
may Adbokasiya
Sanggunian ng mga Serbisyong Klinikal
Alamin kung saan makakakuha ng speech therapy at
developmental support para sa iyong anak!
Mga Ospital at Klinik
Maraming ospital mayroong mga pediatric departments ang may Speech-Language Pathologists.
Examples: De La Salle Medical and Health Sciences Institute, University of the Philippines–Manila, University of Santo Tomas
Mga SPED Center at Pribadong Klinik
Nag-aalok ng speech, occupational, at developmental therapy para sa mga bata.
Mga Pampublikong Paaralan na may Programang SPED
Maaaring tanungin ang mga guro o punong-guro tungkol sa referral programs o mga SLP na bumibisita.
Community Health Centers and LGUs
Mayroon ding mga barangay at lokal na program ang nagbibigay ng libreng screening o therapy service.
Online Teletherapy
Nag-aalok din ang mga Registered SLPs ng online sessions para sa mga nasa malalayong lugar.
Therapy Centers
Mga Klinik sa mga Unibersidad
Mga discounted na session sa pamamagitan ng mga
programa ng internship ng estudyante!
University of the Philippines-Collegiate Association of Speech Pathologists (UP-CASP)
University of Santo Tomas College of Rehabilitative Sciences Speech Langauge Pathology Society (UST CRS SLP)
Outreach Programs
Libreng Terapiya!
Mga Contact sa Speech and Language Pathologists
Sanggunian ng PASP
Mag-search ng mga verified SLPs base sa rehiyon, lungsod, o serbisyo.
Advice for Parents
Tanungin ang therapist tungkol sa kanilang credentials at paraan ng pagturo.
Pag-aralan kung paano mapapanatili ang support therapy goals sa bahay.
Ang maagang intervention ay lubos na makakatulong
sa mabiilis na pag-develop ng iyong anak!