littleexpress.space

Learn With Us!

Sentro ng libreng aralin para sa mga Pilipinong magulang na naghahanap ng suporta para sa pagpapabuti ng pananalita, wika, at komunikasyon ng kanilang anak.

Panoorin ang aming serye ng mga bidyo!

Introduksyon sa SLP

Isang mabilis na gabay upang tulungan kang matuto pa tungkol
sa Speech Language Pathology (SLP) o Speech Therapy, at kung saan
makikita ang mga serbisyong ito.

Language & Social Communication

Gusto mo bang malaman kung paano mag-apply ng mga kasanayan
sa terapiya sa bahay? Matuto ng mga estratehiya kung paano pagbutihin
ang wika at sosyal na komunikasyon ng iyong anak.

Establishing Routines

Lalo pang pagbutihin ang mga kasanayan sa sosyal na komunikasyon ng
iyong anak sa bahay sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga routine—sa tulong
ng isang biswal na iskedyul!

Communicards

Ang Communicards ay makakatulong sa iyo na magsimula ng mga
simpleng aktibidad kasama ang iyong anak na makakatulong sa
pagpapabuti ng kanilang kasanayan sa komunikasyon!

Nagsisimula ang laro sa red card, kung saan meron itong mga bagay na madalas na mahahanap sa bahay. Dapat tanungin ng pamilya ang mga bata na pangalanin ang mga bagay sa cards.

Kakailangan ng mga pamilya na gumamit totoong bagay upang ma-model ang mga tamang aksyon na mahahanap sa yellow cards—tapos hikayatin ang bata na gayahin sila—isang mahalagang hakbang sa pagpapabuti ng komunikasyon.

Likas sa mga bata na ihayag ang kanilang mga emosyon bilang pagtugon at nakatutulong ang blue cards na kilalanin at lagyan ng label ang kanilang mga damdamin.

Visual Schedule Board

Ang Visual Schedule Board ay tutulong sa iyo at sa iyong anak na
gumawa ng mga gawain at subaybayan ang mga ito nang magkasama!

Makakatulong ito sa iyong anak na sumunod sa isang nakabalangkas
na routine habang ikaw ay bumubuo rin ng ugali ng aktibong paglahok sa kanila.

Family Booklet

Ang family booklet ay magiging tanging gabay mo para sa mga
estratehiya kung paano harapin ang iyong anak sa ilang
sitwasyon at kondisyon—nakategorya sa anim na pangunahing layunin:

pagbigkas, bokabularyo, pagpapalitan, pagkilala sa damdamin,
pagsunod sa direksiyon, at pagbabahagi ng karanasan.