Ang Little Express ay isang proyektong inilunsad ng
mga estudyanteng nakatuon sa pagpapabuti ng kakayahan
ng mga pamilyang Pilipino na suportahan ang speech
and language development ng kanilang mga anak.
Ang mga nakapaloob dito ay bilingual na website,
mga online educational videos, at activity kit.
Ang lahat ng ito ay makapagbibigay ng
accessible information na makakatulong sa mga magulang
at tagapag-alaga na pagyamanin ang communication skills
ng mga bata sa kanilang sariling tahanan.